Archives » Resources » Wedding Invitation Wordings » Filipino Wordings

Filipino Wordings


Filipino Wording 1

Dahil kayo ay nakikiisa sa aming buhay,
Mary Clare & Nicolo Giuseppe

Inaanyayahan namin kayo sa aming pag iisang dibdib
Sabado, ika-14 ng Enero 2012
Alas dos y medya ng hapon
Nuestra Senora Del Pilar Church
Pilar, Bataan

Kainan, inuman at sayawan pagkatapos
Las Casas Filipinas de Acuzar
Bagac, Bataan

Tumugon bago magi ka-30 ng Nobyembre

Filipino Wording 2

Kami,
Juancho Melendes
At
Janine Lopez

 Kabilang ang aming mga magulang
G. Joseph P. Melendes      G. Franklin L. Lopez
Gng. Lolita S. Melendes     Gng. Wilma B. Lopez
Ay malugod kayong inaanyayahan
Upang saksihan ang sumpaan ng aming pagmamahalan
At pagtanggap ng pagpapala ng Panginoong Diyos
Sa isang Tipan ng Kasalan

 Huwebes, ika-8 ng Marso
Taong dalawang libo at labing dalawa
Sa ganap na alas tres ng hapon
Santa Ana Shrine Parish, Lungsod ng Davao

Matapos ang Banal na Misa
Magaganap ang isang merienda cena
Alas singko ng hapon
Top of the Apo View Hotel, Lungsod ng Davao

Susundan ito ng isang pormal na hapunan at piging
Ala sais ng gabi
The Grand Ballroom, Apo View Hotel

Filipino Wording 3

“Basta’s tayo’y magkasama, laging mayro’ng umagang kay ganda”

Kayo po ay taos pusong inaanyayahan nina
Hubert Ocampo at Stephanie Ocampo
Na makibahagi at masaksihan ang pagtanggap ng Banal na Sakramento
ng Pag-iisang Dibdib ng kanilang anak na si

Daniel
kay
Liesl

Anak nina Derek Salvador (+) at Portia Salvador
na gaganapin sa simbahan ng Chapel of Transfiguration of Jesus, Caleruega
Batulao, Nasugbu, Batangas
ika-23 ng Mayo 2009, ika-9 ng umaga impunto

Bilang pasasalamat, isang salu-salo ang gaganapin sa
Acuatico Resort
Laiya Batangas

Filipino Wording 4

Kayo ay taos pusong inaanyayahan na makibahagi at masaksihan
ang pagtanggap ng Banal na Sakramento ng Pag-iisang Dibdib nina

Willy at Justine

Anak nina
Patrick Flavier at Regina Flavier
Victor Luzano (+) at Therese Luzano

Ito ay gaganapin sa Chapel of Transfiguration of Jesus, Caleruega Batulao, Nasugbu, Batangas
sa Sabado, ika-dalawampu’t tatlo ng Mayo, taong 2012 sa ganap na ika-9 ng umaga.
Ang pagdiriwang at salu-salo ay itutuloy sa
Acuatico Resort
Laiya Batangas

Filipino Wording 5

Sa pagpupuri at pasasalamat sa Diyos
At sa Pagpapala ng aming mga magulang

Wilfredo at Dianna Ocampo
Vicente at Frida Villanueva

Kami,
Dean at Joy

Ay nag-aanyaya sa inyo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
At sa aming pagtitipan sa Banal na Sakramento ng Kasal
Sa Sabado, ika-dalawampu’t tatlo ng Mayo
Taong dalawang libo at siyam
Sa ganap na ika-siyam ng umaga
Sa Chapel of Transfiguration of Jesus
Caleruega, Nasugbu, Batangas

Ang pag diriwang at salu-salo ay itutuloy sa Taalena Restaurant
Silang Crossing West, Aguinaldo Highway, Tagaytay City
Sa ganap na ika-labindalawa ng tanghali